Sumapit na naman ang Buwan ng Agosto, at iisa lang naman ang agad na pumapasok sa ating isipan iyon ay ang "Buwan ng Wika" na may temang "Wika ng Pagkakaisa". Pero nagkakaisa nga ba tayong mga Pilipino?
Sa kasalukuyan hindi natin masyadong pinapahalagahan ang wika natin, halimbawa na lamang ang mga Pilipinong nagpupunta sa ibang bansa, parang kinalimutan na nila ang ating sariling wika, ang hiling ko lang naman ay gamitin pa rin nila ang wika natin saan man sulok ng mundo sila naroroon, at kung uuwi man o magbabakasyon sila dito sa Pilipinas, dapat nilang gamitin ang wika natin, at hindi ibang lenggwahe para lamang magpabilib o magpahanga sa ibang tao. Sa tatlong malalaking pulo ng Pilipinas ang Luzon, Visayas, Mindano ay may iba't iba tayong gamit na dialekto, kung marining man natin ang ibang tao na iba ang salitang gamit, naguguluhan na tayo at hindi maintindihan, kaya nga dapat taong magkaisa sa paggamit ng wikang Filipino upang magkaintindihan tayo at makakatulong ito upang makahanap ng trabaho lalo na sa Maynila, mapapaunlad ang ating bansa at magkakasundo-sundo tayong mga Pilipino.
Ang wika natin ay nagpapakita rin ng ating kultura, at kung ano ang lahi natin, naipapahayag rin natin ang ating tunay na niloloob at mga emosyon natin, nakakatulong din ito para mapaunlad natin ang ating bansa. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal "ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda" , hindi maituturing na makabayan ang isang
No comments:
Post a Comment